BIR, nilinaw na ‘tax-free’ ang lahat ng mga natanggap ni Carlos Yulo

Nilinaw ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo D. Lumagui Jr. na hindi na kailangan magbayad ng buwis o ‘tax-free’ si two-time Olympic Gold Medalist Carlos Yulo sa lahat nang nakamit na premyo at gatimpala nito.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Ito ay isinaad sa Section 32(B)(7)(d) ng NIRC kung saan, hindi papatawan ng buwis ang mga atletang nanalo, mapa-lokal at internasyonal na sports competition.

Kaakibat nito, hindi na rin obligado si Yulo na isama ang kanyang natanggap na bahay at sasakyan sa kabuuan ng kanyang kita.

Read More:  DepEd completes nationwide orientation on reforms for SY 2026–2027

Sa huli, binati naman ng BIR chief si Yulo sa pagganap nito sa 2024 Paris Olympics.