Dalawang bagong kaso ng mpox – kinumpirma ng DOH

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) ang dalawang mga bagong kaso ng mpox sa bansa.

Ibig-sabihin, sa kabuoan ay mayroon nang 12 cases ntio sa Pilipinas.

Sabi ng DOH, kaparehong mpox clade II ang tumama sa dalawang bagong infection.

Ang case 11 ay isang 37-year-old patient; habang ang case 12 ay isa namang 32-year-old patient.

Kapwa galing sila sa Metro Manila.

Sa ngayon, patuloy na tinututukan ng Kagawaran ang posibilidad ng local transmission ng clade II sa bansa, patrikular na sa National Capital Region.