‘End of the road na’
‘yan ang pagtitiyak ni Senador Win Gatchalian kasunod ng ginagawang paghuli ng awtoridad kay dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Base sa mga dokumentong kanilang nakalap, malinaw umanong makikita na may koneksyon ang dalawang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Porac, Pampanga at Bamban, Tarlac.
Ayon kay Gatchalian, nakausap niya ngayong araw ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ambassadors at sinabi ng mga ito na nakaalerto na ang kanilang awtoridad sa paghuli kay Guo at sa kanyang mga kasamahan.
Kasunod nito, naniniwala ang senador na mas mahihirapan ang mga ito na gumalaw sa kanilang kinaroroonan.
Matatandaan, matapos ang pagkahuli kay Cassandra Li Ong at sa kapatid ni Guo na si Sheila ay malaki ang paniniwala ng Bureau of Immigration (BI) na nasa Indonesia pa si Guo.