Biodegradable wastes, hindi na hahakutin sa mga barangay na mayroong compost pit

SORSOGON CITY – Kinumpirma ng head ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) na si Engr Ronando Gerona Jr.  na hindi na nila hahakutin ang mga biodegradable wastes sa mga barangay na mayroon pang mga backyard composting area.

Read More:  3 dead, 2 missing in illegal treasure hunt in Palawan

Ito’y kapag tuluyan nang iimplimenta ang Executive Oder (E.O) na pinirmahan na ng alkalde ng lungsod kung saan kanilang ipatutupad ang isang probisyon sa City Ordinance na hindi na sila maghahakot ng mga nabubulok na basura sa mga lugar na mayroon pang mga bakanteng lupa na puwedeng gawing compost pit.

Read More:  21-year-old graduate drowns in Cebu waterfall flood

Ayon pa sa opisyal, malaking tulong ito upang mabawasan ang mga basurang itatapon sa disposal facility ng syudad. Sa ngayon, kasi lahat ng uri ng basura, biodegradable man o hindi ay hinahakot ng CENRO.