Isang high value target individual, timbog; dalawang iba pa, nakatakas

Timbog ang isang High Value Target Individual sa San Mateo Isabela matapos ang isinagawang search warrant ng pinagsanib na puwersa ng San Mateo Police Station, PDEA RO2, Regional Drug Enforcement Unit, at iba pang law enforcement agencies.

Kinilala ang dinakip na si alyas Rey, 32-anyos,residente ng Brgy. IV, San Mateo habang patuloy pa ring pinaghahanap ang kasamahan nito na si Alias “Rod” driver at nasa watch list ng PDEA-PNP.

Nakumpiska sa pag-iingat ng suspek ang 24 na piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may timbang na13 gramo at nagkakahalaga ng P88,400.00 , isang (1) medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 3.4 grams at nagkakahalaga ng 23,120.00,limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may timbang na 33 grams at halagang 4,290.00 at mga drug paraphernalia.

Nakatakas naman si alyas Ron nang isilbi sa kaniyang tahanan ang isang search warrant.

Nakumpiska sa isinagawang paghahalughog ang pitong piraso ng maliit na pakete na naglalaman ng umano’y shabu na tumitimbang ng 2.5 grams at nagkakahalaga ng Php17,000.00, dalawang small heat-sealed transparent plastic sachets na may shabu residue.

Puspusan ang pagtugis ng mga alagad ng batas sa dalawang nakatakas na suspek habang ang naarestong si alyas Rey ay dinala sa himpilan ng pulisya at inihahanda na rin ang kasong isasampa laban sa kanya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *