LEGAZPI CITY – Arestado ang isang binata sa Barangay Tagas bayan ng Daraga dahil sa kasong Grave Coercion na may kinalaman sa RA 7610 o child Abuse. Kinilala ang akusado na si alyas Tony 30 anyos residente ng Purok 5, Brgy. Kilicao ng nasabing bayan. Ayon sa report, bitbit ng mga awtoridad ang warrant of arrest na pirmado noong Mayo 8, 2012 na kung saan sinilbihan ang akusado dahil sa nasabing kaso.
Aabot sa P80K ang inirekomendang piyansan ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan. Agad na dinala sa Daraga mps ang akusado para sa kaukulang disposisyon.