Interior Sec. Año at vaccine czar Galvez, pursigidong isulong ang ‘no vaccine, no subsidy’ policy

Pursigido sina Interior Sec. Eduardo Año at vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr. na isulong ang ‘no vaccine, no subsidy’ sa mga 4Ps beneficiaries.

Ayon kay Año pinag-aaralan pa nila kung paano ipapatupad ang naturang sistema.

Read More:  10th Infantry Division denies AI-generated image showing support for Bato

Para naman kay Galvez, sinabi nitong ang panukala ay layon para protektahan ang mga 4Ps beneficiaries para makaiwas sa severe COVID-19 infections.

Read More:  Rep. Edgar Erice urges Congress to scrutinize questionable 2027 budget

Ipinauubaya naman ng kalihim sa Department of Justice na sagutin ang legalidad ng naturang proposal.

Una nang sinabi nang Malakanyang na kinakailangan ang pag-amyenda ng batas kung gagawing mandatory ang pagbabakuna sa mga 4Ps beneficiaries.