Fully vaccinated vs COVID-19 sa Bicol, 22% na ng target population

BICOL—Umaabot na sa 22% ng target population ang completely vaccinated sa Bicol region base sa pinakahuling vaccine statistics ng Department of Health (DOH).

199% na ang bakunado sa A1 o mga health workers, 49% sa A2 o mga senior citizen, 66% sa A3 o individuals with comorbidity, 13% sa A4 o uniformed personnel at 4.03% sa A5 o Other priorities.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kung pagbabatayan sa bilang, 948,784 individuals na ang mga completely vaccinated kung saan 708, 412 nito ang mga nabakunahan ng second dose habang 237,372 ang mga naturukan ng one shot Janssen vaccine.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Umaabot na rin sa 1,080,702 ang mga nabakunahan ng first dose at naghihintay sa schedule ng kanilang second dose.

Sa ngayon ay nasa 2,026,486 doses na ng mga bakuna ang naiturok o 78% ng 2,585,450 doses ng mga bakunang natanggap ng rehiyon.###