Mayroon nang bagong caretaker ang ikatlong distrito ng Negros Occidental matapos italaga sa Technical Education and Skills Development Authority o TESDA si Representative Francisco Benitez.
Magsisilbing legislative caretaker ng binakanteng posisyon ni Benitez si House Committee on Public Accounts Chairman Stephen Paduano.
Welcome para kay Benitez na si Paduano ang magiging tagapangalaga ng kanyang constituents.
Sinabi ng TESDA Chief na tiwala siya sa kakayahan ni Paduano na isulong ang interes ng mga residente ng third district ng Negros Occidental.
Ipagpapatuloy aniya nito ang mga nasimulang proyekto at programa hanggang sa maisakatuparan.
Si Benitez ang ikaapat na kongresista ng 19th Congress na tinanggap ang alok na posisyon sa Executive Department.