PRO-XI, handa na para sa pagdinig ng Senado sa Biyernes hinggil sa KOJC raid

Handang humarap ang Police Regional Office XI sa Senate inquiry sa Davao City hinggil sa operasyon ng kapulisan sa compound ng Kingdom of Jesus Christ sa Biyernes.

Ayon kay Police Regional Office XI chief Brigadier General Nicolas Torre III, sinabi nitong nais na nilang maibahagi ang mga findings at impormasyong nakalap nila mula sa 13-araw na operasyon sa naturang pasilidad.

Read More:  President may appoint senator or lawmaker as replacement if VP Sara is impeached

Matagal na umano niyang gustong ilabas ang mga nalalaman nila sa publiko para talagang magkaalaman na.

Read More:  ICC confirms rare “fall” incidents involving former PRRD in detention

Hindi niya lang umano maisiwalat ang lahat dahil napipigilan siya dahil sa usapin ng legality.

Kasabay nito, kampante si Torre na hindi maaapektuhan ang nagpapatuloy na paghahanap kay Apollo Quiboloy ng senate hearing.