Ibinasura ng Quad Committee sa Kamara ang hiling ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na “motion to quash documents” hinggil sa pagkakaugnay umano nito sa ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.
Kasunod ito ng bigong pagsusumite ni Roque ng mga dokumento tulad ng business records, tax returns at Statements of Assets, Liabilities and Net Worth o SALN na kanyang ipinangako noong nakaraang pagdinig.
Iginiit kasi ni Roque na “irrelevant” ang ipinakukuhang dokumento sa isang legislative investigation.
Nalalabag umano ang kanyang privacy pati na ng kanyang pamilya.
Samantala, namimiligro namang mailipat nang tuluyan sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong si Cassandra Li Ong kapag patuloy na nagsinungaling sa komite.
Matapos marinig ang banta ni Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. ay biglang sumama ang pakiramdam ni Ong at dinala sa ospital.