Billing rates sa kuryente na babayaran ngayong buwan muling tumaas

CAMARINES NORTE- Sinalubong uli ng pagtaas ng singil sa kuryente ang mga consumer ng Camarines Norte Electric Cooperative.

Bahagya raw kasing tumaas ang February billing na babayaran ngayong buwan ng Marso.

Ayon sa Canoreco ang residential rate noong Pebrero ay umabot na sa  Php11.4477 per kWh kumpara sa Php11.3928 per kWh lamang noong January billing.

Ang low voltage rate ay Php10.4942 per kWh at ang high voltage rate naman ay Php8.7600 per kWh o nagkaroon ng pagtaas na nasa Php0.0549 per kWh.

Ang pagtaas umanong ito ay bunsod ng pagtaas din ng Transmission Charge ng Php0.0239 per kWh dahil sa mas mataas na average transmission rate sa billing ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Tumaas rin daw ang Lifeline Subsidy at ang Generation Rate Adjustment Mechanism (GRAM)/Incremental Currency Exchange Rate Adjustment (ICERA) na may kabuuang Php0.0085 per kWh at ang Value Added Tax (VAT) Charges ng Php0.7025 per kWh.

Sa kabilang dako, bumaba naman ang Blended Generation Charge ng Php0.6083 per kWh dahil sa mas mababang generation rate sa billing ng Therma Luzon Inc. (TLI) sa kabila ng kapansin-pansing pagtaas ng market prices  dahil sa mas mababang available capacity dala ng significant outages ng base load generators at ng patuloy na gas restriction sa Malampaya Gas Facility.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Matatandaan na sa January 2022 billing ay nagkaroon ng pagtaas na nasa Php0.4427 per kWh.

Ayon pa sa naturang kooperatiba ng kuryente ang Generation Charge ay nagbabago kada buwan dahil apektado ito ng WESM prices, power plants dispatch, fuel prices, forex rates at seasons kung kailan binili ang kuryente.

Ang ilan sa mga components ng billing ay pass-on charges lamang at inireremit ng CANORECOkada buwan sa power supplier gaya ng TLI at power seller gaya ng WESM, sa transmission utility na NGCP, at sa government corporations/agencies gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation at Bureau of Internal Revenue (BIR).