Worker-benefeciaries ng tupad sa Legazpi City, nakakuha na ng kanilang sweldo

LEGAZPI CITY- Nakatanggap ang mga Worker-Beneficiaries ng Barangay 25 Lapu-lapu street, Barangay 17 Ilawod, Rizal street, Barangay 24 Rizal Street, Barangay 68 Bariis, Barangay 8 Bagumbayan at Barangay 19 Cabangan, Legazpi City ng kanilang sweldo mula sa Tulong Hanapbuhay sa ating Disadvantaged/Displaced Workers O TUPAD program.

Ang bawat benepirsyaro ay nakatanggap ng kabuuhang halaga ng Php. 4,650.00 sa isinagawang TUPAD para sa kanilang 15 araw na community cleaning and services sa kanilang komunidad.

Read More:  Two fishermen rescued after boat carrying sacks of cement capsizes

Ito’y Pinangunahan nina DOLE Regional Director Ma. Zenaida A. Campita, Officer-in-Charge Asistant Regional Director (OIC-ARD) Imee Romanillos, Albay-Finance Ofiicer (FO) Chief Cherry B. Mosatalla, Albay-Finance Officer ng TUPAD Ed C. Lovedorial, at Legazpi City LGU para sa distribution ng TUPAD Payout sa mga nasabing barangay.

Read More:  PDEA shuts down suspected drug den in Davao de Oro

Maliban pa rito, layunin ng nasabing tanggapan mula sa programa na TUPAD, na mabigyan ang mga manggawa sa ibat-ibang bayan sa pamamagitan ng community service sa piling barangay sa lungsod ng legazpi.