Isa sa pinaka malaking negosyo center ng DTI sa buong Bicol, nagbukas na sa publiko

LEGAZPI CITY- Binuksan na ng Department of Trade and Industry o DTI ang isa sa pinaka malaki nilang Negosyo Center sa Bicol na matatagpuan sa Manito, Albay.

Pinangunahan ni DTI V Regional Director Rodrigo Aguilar at Albay Provincial Director Dindo Nabol ang launching at blessing nito na dinaluhan din ng buong Sangguniang Bayan Council, mga Department Heads at mga small business owners ng nasabing bayan.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Dagdag pa rito, maaari na ring mapadali ang pagkuha ng business name at permit ng mga negosyong nagpaparehistro rito dahil hindi na nila kakailanganing pumunta sa Legazpi City upang doon ito iproseso.

Malaking dagok kasi umano sa mga small business owners ang 43.1 kilometrong distansya ng Manito sa Legazpi City na kung saan inaabot ng mahigit isang oras ang biyahe.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Samantala, namahagi rin ang nasabing ahensya ng technical assistance sa ilang small business owners upang matulungan na mapalago ang kanilang mga negosyo at mapa unlad ang komeryso sa bayan ng Manito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 24 Negosyo Centers sa buong Bicol at inaasahang dadami pa ito.