Umarangkada na kahapon ang PHILINDO STRIKE IV-2024 o bilateral military exercise sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia.
Ang 6th Infantry Division ng Philippine Army ang host ng joint exercises na isinasagawa sa Maguindanao del Norte.
Ayon kay Division Chief of Staff Col. Edgar Catu, iba’t-ibang pagsasanay ang isasagawa upang higit pang mapalakas ang collaboration at operational efficiency ng military forces.
Layunin ng joint exercises na mapataas ang operational readiness ng parehong pwersa, lalo na sa pagtugon sa mga banta sa international security partikular sa Timog-Silangang Asya.
Makakatulong din ang pagsasanay sa pagiging handa ng militar sa pagsasagawa ng humanitarian and disaster response.