DA, inaasahan pa ang procurement ng karagdagang 150k na AVAC live vaccines kontra ASF

Kinumpirma ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel na magpo-procure pa ang bansa ng karagdagang AVAC live vaccines mula sa Vietnam upang maiwasan ang pagkalat ng African Swine Fever sa bansa.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Laurel na ang procurement na ito ay aabot sa 150,000 doses.

Read More:  SP Cayetano confirms Sen. Bato no longer inside Senate building

Mababatid na bukas, August 30, target nang i-roll out ng Department of Agriculture (DA) ang unang ASF vaccination sa Lobo, Batangas sa kabila ng reklamong inihain sa Ombudsman laban sa import at trial ng AVAC ASF live vaccines.

Read More:  Drilon: Senate has no legal basis for protective custody

Ang vaccination ng mga baboy ay tututukan umano ng Bureau of Animal Industry (BAI) at Food and Drug Administration (FDA).

Sa sandaling maging matagumpay ang bakunahang ito, itutuloy na rin ito sa Quezon at iba pang mga lugar na apektado na ng ASF.