Senate Majority Leader – iginiit na panahon na para labanan ang pangha-harass ng China sa WPS

Hindi na naiwasan pang mapikon ni Senate Majority Leader Francis Tolentino sa patuloy na pangha-harass ng China sa teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Kasunod ito sa pambubuntot, pambabangga at maging pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ( BFAR) na BRP Datu Sanday na noo’y dapat magre-resupply mission lang.

Read More:  DICT confirms online posts encouraging people to cause trouble at the Senate

Bilang tugon dito, ipinunto ng senador na marapat lang na lumaban na ang bansa sa agresibong aksyon ng China.

Read More:  VP Sara Duterte camp vows full cooperation in Senate impeachment trial

Ngunit sa kabila nito, nilinaw niya na hindi ‘all out war’ ang ibig sabihin niya sa pahayag na ito kundi labanan ang China base sa kanilang aksyon.

Halimbawa umano rito ay ang pagbangga rin sa kanila kung tayo ay kanilang binabangga rin.