Bilang ng recoveries mas mataas kaysa sa mga bagong naitalang kaso ng COVID-19 sa Catanduanes nitong weekend

BNFM BICOL— Mas mataas ang bilang ng recoveries kaysa sa mga bagong kaso sa COVID-19 ang nairehistro ng DOH-Bicol nitong weekend sa islang lalawigan ng Catanduanes.

Batay sa pagtatala ng ahensya, nasa kabuuang 64 ang COVID-19 recoveries nitong weekend sa isla kung saan 36 sa mga ito ay naitala nitong Sabado habang 28 naman kahapon araw ng Linggo.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Umabot lamang sa kabuuang 46 ang mga naidagdag na mga bagong kaso ng sakit nitong weekend.

13 sa mga ito ang naitala nitong Sabado kung saan mula sa nasabing bilang, pito sa mga ito ang mula sa bayan ng Virac; dalawa sa San Andres habang tig-iisang kaso naman ang mula sa mga bayan ng Gigmoto; Pandan; Panganiban at Viga.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala kahapon araw ng Linggo, 33 naman ang mga nairehistrong bagong kaso kung saan 12 nito ang mula sa Virac; pito sa Caramoran; lima sa Pandan; tig-tatlo ang Gigmoto at San Andres; dalawa sa Bagamanoc habang may isa naman sa bayan ng Bato.

Sa kabuuan, pumalo na sa  2,635 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Catanduanes habang wala namang naidagdag sa bilang ng mga nasawi.###