Mga kabataang edad 14- 17 anyos nakapila ngayon sa CNPH para sa COVID- 19 vaccination

CAMARINES NORTE- Pumila ng maaga ang mga kabataang edad 14 hanggang 17 anyos kasama ang kanilang mga magulang at guardian para sa unang araw ng COVID- 19 vaccination sa pediatric population na ginagawa sa Outpatient Department ng Camarines Norte Provincial Hospital

Kabilang sa mga pumila sa unang araw ng vaccination ay ang Grade 8 student na si “Ralph”.

Ayon kay Ralph gustong gusto na rin niyang magpabakuna at wala siyang nararamdamang kaba.

Mas maganda raw kung bakunado para iwas na rin sa COVID- 19.

Bukod dito naghahanda na rin umano siya sa posibilidad na magkaroon muli ng face to face classes.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Tulad ni Ralph, hindi rin daw kinakabahan ang batang si Ryan Christian.

Sa katunayan, nauna pa itong magtungo sa OPD ng CNPH at doon na lang umano niya hihintayin ang kaniyang magulang para siya ay masamahan.

Ayon kay Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco tatlong araw na magkakaroon ng pagbabakuna ngayong linggo sa pediatric population.

Bukas at sa Biyernes ay magkakaroon pa rin ng COVID- 19 vaccination sa parehong venue.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Bukod dito inihayag din ni Francisco na magbabakuna na rin sa pediatric population ang iba’t- ibang munisipyo.

Paghahanda rin umano ang pagbabakuna sa pediatric population sa posibleng pagbubukas ng face to face classes sa mga susunod na araw.

“Ako ay nagpunta na rin sa iba’t- ibang mga school may mga lectures na ginagawa ngayon para maintindihan ng mga kabataan ang kabutihan ng pagbabakuna at ito ay in preparation na rin sa ating face to face school ano, classes ano, at para maumpisahan na rin natin ang pagpapasok ng ating mga estudyante sa loob ng eskwelahan sapagkat iba talaga yung face to face,” ani Francisco.