Mahigit 154K na mga indibidwal sa Catanduanes, bakunado na kontra COVID-19

BNFM BICOL—Inanunsyo ng Catanduanes Provincial Health Office na umabot na sa kabuuang 154,191 na mga indibidwal sa lalawigan ang bakunado na kontra COVID-19.

Batay sa inalabas na ulat ng tanggapan, as of November 12, 2021, 91,054 o 47% ng current target population ay natanggap na ang kanilang first dose ng bakuna habang 63,137 individuals naman o 33% ng current target population ang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Bunsod nito, naabot na ng Catanduanes ang 23% ng vaccination coverage mula sa 100% na target population.

Kaugnay nito, nagpapatuloy ang vaccination roll out sa islang probinsya kung saan tumatanggap na rin ng walk in ang ibang mga vaccination sites upang mas marami ang mabakunahan.

Read More:  Two die after minivan crashes into house in Cebu

Matatandaang nanawagan na rin ang pamahalaang panlalawigan ng mga volunteers para sa bubuoing bagong vaccination teams na ikakalat sa iba’t-ibang panig ng probinsya upang mas mapabilis ang pag-abot ng herd immunity sa mas lalong madaling panahon.###