Bilang ng mga turista sa Daraga, Albay, pumalo na sa humigit-kumulang 2,000 sa ikalawang quarter sa 2022

LEGAZPI CITY – Pumalo sa humigit-kumulang sa 2,000 ang ang naitalang bilang ng mga turista sa bayan ng Daraga, Albay para sa ikalawang quarter sa taong 2022.

Ito ang inihayag ni Angela Pacres, head ng Municipal Tourism Office ng Local Government Unit (LGU) ng nasabing bayan.

Ayon kay Pacres, parami nang parami ang mga turistang pumapasok sa bayan na umaabot sa 1,961.

Read More:  Six student interns injured after falling from hitchhiked truck in Bukidnon

Aniya, hindi pa tapos ang ahensya sa pangongolekta ng datos ng mga turista, karamihan sa mga nakuha bilang ng tourist arrival ay mula sa mga accomodations and establishment at Cagsawa Ruins tourist attraction.

Sa buwan ng Agosto ay mayroon nang naitala na mahigit 600 na turista sa bayan ng Daraga ng kasalukuyan taon.

Read More:  Rescued Philippine eagle survives critical injuries in Bukidnon as experts find airgun pellets

Ang nasabing bilang na turista ay nakuha mula lamang sa Cagsagawa attraction.

Sinabi ng opisyal, may mga naidagdag na rin itong bagong tourist attraction sa Daraga kung saan inaasahan nito makakatulong sa dagdag na tourist arrival bago magtapos ang 2022.