Hindi pa kinakailangan na maghanap ng bagong school kahit may pagguho sa Trinidad Cario ES- Dep Ed

Inihayag ni Ms. Maylyn Dilig ng Dep Ed Palawan na hindi pa kinakailangan na maghanap ng bagong School para pasukan ng mga bata sa Trinidad Cario Elementary School sa Bgy. Dumarao,  Roxas Palawan.

Ayon kay Ms. Dilig, ligtas pa naman ngayon ang kabuuang sitwasyon ng paaralan sa kabila ng naranasang pagguho ng lupa nitong nakalipas ng linggo bunsod ng 4 lanes road widening project sa National Highway.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Kaugnay nito, ipaprayoridad umano ng DPWH ang paggawa ng slope protection sa gumuhong bahagi ayon sa Division Engineer ng Dep Ed.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ipinag-utos na rin ng School Head na maglagay ng bakod papunta sa kalsada upang hindi mapuntahan ng mga mag-aaral.

Samantala, nitong Sabado ay naglagay ang project contractor ng pansamantalang harang sa gumuguhong lupa upang hindi ito magtuloy-tuloy.