CAMARINES NORTE- Sumampa na sa 81 ang kabuuang kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Basud, Camarines Norte.
Ito ay makaraang makapagtala ng siyam na pinakabagong kaso ng sakit sa naturang bayan noong weekend.
Sa bilang na ito 19 ang aktibong kaso na nagmula sa mga barangay ng Poblacion 2 na mayroong siyam, apat sa Mandazo tatlo sa Poblacion 1 habang mayroong tig- iisa sa San Felipe, Langga at Mampili.
Sa 81 total confirmed cases, 76 % ang gumaling na sa sakit, 21 % ang aktibong kaso habang 3 % naman ang nasawi.
Sa 29 na barangay sa naturang bayan, ang Barangay Poblacion 1 ang nakapagtala ng pinakamataas na kaso na may 18 habang 16 naman sa Barangay Poblacion 2.
Labing limang Barangay naman ang wala pang naitatalang kaso ng sakit.
Patuloy naman ang paalala ng Lokal na Pamahalaan na sundin ang mga health protocols kontra COVID- 19.

