BARMM Government, patuloy na pinalalakas ang kampanya kontra stunting

PATULOY na pinalakakas ng BARMM Government ang pagbibigay ng tamang impormasyon sa mga ina mula sa kanailang pagbubuntis hanggang sa makapanganak na ang mga ito.

Ang pahayag na ito ay kasabay ng isinagawang kick off ceremony ng Nutrition Month celebration kahapon kung saan nagsagawa ng motorcade ang mga ito sa pangunguna ni Bangsamoro Government’s program coordinator for National Nutrition Council Dr. Kadil Sinolinding Jr.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Kaugnay nito, masayang ibinahagi ni Dr. Sinolinding na bumaba ang problema ng malnutrisyon sa rehiyon sa pamamagitan ng matagumpay na information dissemination sa mga ito.

Nabatid na sa limang probinsya ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, nangunguna ang Lanao del sur sa may pinaka mataas na problema ng stunting o pagkaka bansot na mga kabataan na may 49 percent.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sinundan ng Basilan na may 48.1 percent, Maguindanao na may 45.6%, Tawi-Tawi na may 41.2 Percent at Sulu na may 40.9 Percent.

Tema ng ika-47 Nutrition month celebration ngayong taon ay Malnutrisyon Patuloy na Labanan, First 1000 days Tututukan.