Bilang ng mga nasawi sa COVID sa buong mundo, pumalo sa mahigit 3.4-million

Pumalo na sa tinatayang 3,475,079 ang bilang ng mga tao na nasawi sa COVID-19 mula nang magkaroon ng outbreak ng virus sa China noong December 2019.

Base ito sa datos ng Agence France-Presse noong Martes na kinolekta ng nasabing media organization mula sa iba’t-ibang official sources.

Sumampa naman sa mahigit 167.1-million ang bilang ng mga nairehistrong COVID-19 sa buong mundo.

Noong Lunes ay naitala sa buong mundo ang 9,968 na bagong nasawi at 481,857 na bagong kaso.

Makikita sa mga huling ulat, na ang mga bansa na may pinakamaraming naitala na bagong fatalities ay ang India na umabot sa 3,511, sinundan naman ito ng Brazil na may 790, at Colombia na nagtala ng 483.

Ang US pa rin ang pinakamatinding naapektuhan ng vrius kung saan ay nagtala ito ng 590,574 deaths mula sa mahigit 33.1-million na kaso.