Bilang ng mga nakakapagparehistro sa Philippine Identification System sa Camarines Norte umabot na sa 414, 659

CAMARINES NORTE- Umaabot na ngayon sa 414, 659 na mga taga Camarines Norte ang nakakapagparehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) mula nang simulant ito noong Hunyo 2021.

Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa nagpapatuloy na Step 2 Registration sa lalawigan.

Sa pagtatapos lang ng Pebrero nakapagrehistro ang PSA ng nasa 22, 224 na indibidwal.

Ang naturang bilang ay ang mga nakapagparehistro sa Daet na may 4, 173, Jose Panganiban na may 3, 546, Labo 4, 079, Mercedes 1, 655, Paracale 4, 163 at Sta Elena na mayroong 4, 608.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Aminado ang PSA na nakaapekto sa daily output ng registration ang pagsasailalim ng Inter Agency Task Force sa lalawigan sa ilalim ng Alert Level 3 mula Enero 16 hanggang Pebrero 15, 2022.

Ipinatupad kasi sa lalawigan ang No Vax No entry sa mga establishment at hindi rin pinayagan ang paglabas ng bahay ng mga edad na mas mas mababasa 18 anyos at 60 anyos na dahilan ng mbabanag outcome ng registration.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Bilang tugon, nagkaroon ng mobile registration ang PSA sa ilang mga bayan tulad ng Labo, Mercedes, Sta Elena at Paracale sa mga barangay na low risk level sa COVID- 19.

Kaugnay nito ay patuloy ang panghihikayat ng PSA sa mga opisyal ng barangay sa 12 bayan na makipag ugnayan sa kanilang opisina kung mayroon pang mga unregistered sa kanilang barangay.