CAMARINES NORTE- Aprubado na ng Sangguniang Bayan ang hiling ng Alkalde na pumasok sa isang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Basud at ng National Council on Disability Affairs.
Ito ay bilang pakikilahok sa implementasyon at monitoring ng computer works stations na gagamitin lang para sa Philippine Registry for Persons with Disability (PRPWD).
Ayon sa konseho, suportado nila ang ganitong hakbang dahil lalong mapapagaan kung ang lahat ng nabubuhay na Persons with Disability ay mai- encode sa system.
Magiging madali raw kasi ang pagkakaroon ng datos dahil i- upload lang ito sa PRPWD.
Ang naturang LGU ay isa lamang sa mga nagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga PWD.
Noon lang Enero ay inaprobahan ang isang ordinansa na magbibigay ng proteksyon at magtataguyod sa karapatan at benepisyo ng Persons with Disability (PWD) sa naturang bayan.
Sa ilalim ng Rights of Persons with Disability and Protection from public ridicule ordinance, nakapaloob ang mga karapatan ng PWD’s na makapagtrabaho nang hindi nadi- discriminate edukasyon, kalusugan, auxiliary social services at iba pa.
