Bilang ng mga nag apply ng Educational Scholarship Program sa Naga City bumaba ngayong taon

NAGA CITYUmabot sa 200 pa lamang na mga estudyante ang nag apply para sa taunang educational scholarship program ng LGU-Naga, mababa ito kung ihahambing noong nakaraang taong 2023 na umabot ng halos isang libong mag-aaral.

Kinumpirma ito sa Brigada News Fm Naga ni Atty. Paul John Barrosa head ng Education,Scholarship ang Sports Office,na ayon sa kanya ito pa lang ang natanggap nilang bilang ng mga aplikante ngayon at posibleng madagdagan pa,pagdating ng Marso 15 na siyang deadline ng submission.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Paliwanag ni Barrosa,isa sa nakikita nilang dahilan ay wala na ang pandemya kaya muling nakapagtrabaho ang mga magulang at kayang-kaya ng papag-aralin ang kanilang mga anak na hindi na gaanong problema ang pinansiyal.

Read More:  ₱5.3M suspected substandard laptops seized in Cebu City

Isa sa requirements ng pagiging skolar ng lungsod ay dapat ang magulang ay kumita lamang na 250 libong piso sa bawat taon at posibleng lumampas na sa ganito ang yearly earnings ng mga magulang kaya hindi na kuwalipikado ang kanilang mga anak sa programang ito ng city government.