Bilang ng mga eskwelahang magsasagawa ng limited face to face classes sa Albay madadagdagan

LEGAZPI CITY – Madadagdagan ang mga eskwelahang magsasagawa ng face to face classes sa lalawigan ng Albay matapos na makapasa sa school safety assessment tool (SSAT) bilang requirements na hinihingi ng DepEd Bicol.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay Alvin Cuz, Project Development Officer 2 Incharge in Department of Education School’s Division Office of Albay tatlong paaralan pa ang pwedeng pumasok sa 2nd round ng expanded limited face to face classes kabilang rito ang Calaguinit Elementary School ng Oas, San Agustin Integrated School ng Libon, Namanday Integrated School ng Bacacay.

Read More:  Mayon unrest pushes Albay farm damage beyond P6.6 million

Aniya, posibleng madagdagan pa ang mga eskwelahang magbubukas ngayong darating na mga araw dahil patuloy umano ang ginagawang pagsusuri ng opisina sa mga requirements na isinusumite ng bawat eskwelahan.

Sinabi rin ni Cuz na napakahalaga ng gampanin ng mga barangay council, municipal mayor, Local Government Units at iba pang stakeholders sa pagsasakatuparan ng matagumpay na expanded limited face to face classes dahil isa rin umano ang mga ito sa tutulong na mapataling ligtas ang mga guro’t estudyante.

Read More:  Mati City students welcome proposed ₱5,000 cash grant for fresh graduates under senate bill 1961

Matatandang, apat na eskwelahan ang pinayagan ng DepEd Albay na magsagawa ng expanded limited face to face classes na nagsimula noong ika-1 ng Marso.