CAMARINES NORTE- Hindi nakapalag sa mga otoridad ang isang lalaking may kinakaharap na kasong panghahalay ng arestuhin ito bandang alas 12:30 ng umaga nitong Marso 1, 2022 sa Purok 4, Brgy. Malasugui, Labo, Camarines Norte
Ang akusado kinilalang si alyas “Oman”, 34 anyos, may asawa, isang driving instructor at residente ng Purok 3 Brgy. Daguit Labo, Camarines Norte at itinuturing na ikalawa sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Labo.
Naaresto ang nabanggit na suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na may petsang Enero 23, 2014 na ipinalabas ni Hon. Arniel A. Dating, Acting/Presiding Judge ng RTC-Branch 64, Labo, Camarines Norte.
Ang nasabing warrant ay para sa kanyang dalawang ulit na kasong Rape under Article 266A of RPC as amended by RA 8353 in relation to Article 6, Section 10 (a) of RA 7610 na pawang walang rekomendadong piyansa.
Ang naarestong suspek ay kasalukuyang nasa pangangalaga na ng mga tauhan ng nasabing himpilan upang kaharapin at pagbayaran na ang kanyang pagkakasala.
Napagalaman na Agosto taong 2013 nang dalawang beses na pagsamantalahan ng nabanggit na akusado ang isang kinse anyos na dalagang biktima nito.
