NAGA CITY –Hindi pa umaabot sa quota o sa tamang target na bilang ang mga nag-apply sa Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program na low-cost housing program ng National Government sa Naga City.
Sa ngayon nasa mahigit tatlong libo pa lamang ang mga aplikante at 166 sa mga ang naunang naaprubahan ng PAGIBIG Fund.
Kaugnay nito, nananatiling bukas ang City Housing Settlements and Development Office (CHSDO) para sa gustong mag avail.
Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga kay Eric Salvino, shelter officer ng CHSDO, sinabi nitong patuloy silang tatanggap ng mga aplikante kahit sumobra pa sa quota dahil sa anim na libong individual dapat ang mag okopa sa unang Pabahay Program na ito na ibinigay sa City Government mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Muli, kailangan lang aniyang makompleto ang mga requirements para hindi magkaproblema sa assessment and evaluation.
Pagdating naman sa mga isinusumiteng dokumento sa kanilang opisina ng mga aplikante, tiniyak ni Salvino na hindi ito mawawala, nasa pag iingat nila ito at handang ibalik sakaling hindi makapasa.