LEGAZPI CITY – Hindi pa nakikitaan sa ngayon ng posibilidad ang Bulkang Mayon upang ibaba ang alert level status.
Ito ang inihayag ni PHIVOLCS Resident Volcanologist Dr. Paul Alanis sa Brigada News FM Legazpi.
Ayon kay Alanis, nagpapatuloy pa rin kasi ang paglabas nv bulkan ng volcanic materials kung kaya’t hindi pa maaaring ibaba ang alert level status nito.
Aniya, napakadelikado rin ngayon na bumalik sa mga lugar malapit sa paanan ng bulkan.
Nananatili ito sa alert level 3 at kahit pa umano manati ito sa nasabing status, huwag aniyang makampante dahil may posibilidad pa rin itong mag-escalate at magkaroon ng violent eruption.