Bilang ng apektadong estudyante ng volcanic smog, pumalo sa 3M

Iniulat ng Department of Education (DepEd) na higit 3.5M na mga estudyante ang naapektuhan ng suspensyon ng face-to-face classes sa ilang mga paaralan sa Metro Manila, Calabarzon, at Mimaropa dahil sa volcanig smog mula sa Bulkang Taal.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Batay sa pinakahuling datos ng DepEd, kabuoang 3,586,353 na mag-aaral at 112,791 na mga personnel ang apektado ng suspension mula sa halos 3-libong mga paaralan sa tatlong rehiyon.

Noong Lunes, binigyan ng DepEd ang mga schools sa NCR at Calabarzon ng authorization na mag-suspend na ng klase dahil sa nararanasang makapal na usok.

Read More:  UP Broadcasting Association raises concern over Legarda’s role in Senate leadership shift

Kahapon naman, sinabi ng PHIVOLCS na wala na silang naoobserbahan na vog sa Taal Volcano.