Senador, pinagpapaliwanag ang ERC sa pag-apruba nito sa taas-singil ng kuryente simula ngayong Oktubre

Ipinunto ni Senate Committee on Energy, Vice Chairperson, Senador Win Gatchalian na marapat lang dumaan sa butas ng karayom ang Energy Regulatory Commission (ERC).

Kasunod ito sa kanilang pag-apruba ng taas-singil sa kuryente simula ngayong darating na Oktubre.

Read More:  Greenpeace Philippines insists ASEAN Summit protest was peaceful

Anya, sa pamamagitan nito ay matitiyak nilang makatarungan ang gagawing pagtaas ng presyo ng Manila Electric Company’s (Meralco) at hindi makakabigat sa mga konsyumer.

Read More:  Senate to convene as impeachment court vs VP Sara Duterte on May 18

Ang nasabing rate hike ay inaasahang papalo mula 32 hanggang 33 sentimo kada kilowatt-hour (kWh) kada buwan sa loob ng 12 buwan.