Arestado ng mga tauhan ng PNP Anti Cybercrime Group ang isang lalaki dahil sa pagbebenta ng registered sim cards online.
Ayon sa ACG, naaresto ang suspek na si alias “Jan” sa ikinasang entrapment operation sa Quirino Highway sa Quezon City.
Nag-ugat ang operasyon matapos ang masusing cyber patrolling at imbestigasyon ng ACG kung saan natuklasan ang iligal na bentahan ng registered SIM cards sa social media dahil sa post ng suspek.
Ang mga SIM crds ay ibinebenta sa sa halagang Php10.00 kada isa.
Sa isinagawang operasyon nakumpiska mula sa suspel ang nasa 100 SIM cards.
Nahaharap ngayon ang suspek sa kasong paglabag sa SIM registration ACT IN RELATION to RA 10175 O Cybercrime Prevention Act.