Dumating na sa Pilipinas ang big-time child sex trafficker na nahuli ng mga awtoridad sa Dubai na si Teddy Mejia.
Haharapin niya ngayon sa bansa ang patong-patong na kaso, kabilang ang panggagahasa, online sexual exploitation sa mga bata, at human trafficking.
Si Mejia ang itinuturong utak sa likod ng malawakang sexual trafficking at online exploitation ng mahigit 100 bata sa bansa.
Ayon kay General Portia Manalad ng Women and Child Protection Center, ginagamit ni Mejia ang mga malalaswang larawan ng biktima para i-blackmail at bigyan siya ng pera.
Ibinunyag naman ng Philippine National Police (PNP) at Department of Interior and Local Government (DILG) na kadalasang nasa 9 hanggang 10 taong gulang ang mga biktima ni Mejia.
Inilipat na si Mejia sa Camp Crame, habang ang apat sa pitong miyembro ng sindikato na kasama nito ay nasa kustodiya na rin ng mga awtoridad.