Pinabulaanan ng kampo ni Apollo Quiboloy ang mga alegasyong panakot umano ng pastor ang “Angels of Death” sa biktima nito ng pang-aabuso.
Ayon sa legal counsel na si Atty. Mark Tolentino, walang kahit na anong private army si Quiboloy, kaya hindi posible na hunting-in nito ang mga lalabag sa “code of secrecy” o magbubunyag sa mga iligal na gawain ng pastor.
Inihalimbawa ni Tolentino ang paglusob ng mga armadong kapulisan sa Kingdom of Jesus Christ Compound sa Davao City, na ni-isa ay wala namang pumalag.
Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng PNP kung “goons” ba ang Angels of death” o isang figure of speech lang.