Biden, magpapaturok ng COVID-19 booster shot

Makakatanggap si US President Joe Biden at ang kaniyang misis na si Jill ng COVID-19 vaccine booster shot.

Inaasahang magiging available sa mga adults sa US ang extra doses ng bakuna sa September 20.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Ipinunto ni Biden na una silang naturukan ng first lady ng bakuna noong simula ng kasalukuyang taon.

Una nang inanunsyo ni Biden na makakatanggap ang lahat ng American adults ng booster shots, walong buwan matapos ang huling beses nila ng pagpapabakuna.

Read More:  PH Embassy in Pretoria advises Filipinos to avoid Ebola-affected areas

Dahil ito sa banta ng mga mas nakahahawang strains tulad ng Delta variant at sa mga pag-aaral kung saan ay sinabi na posibleng mawalan ng bisa ang mga bakuna laban sa mga bagong variants.