Kinumpirma ng Philippine National Volleyball Federation na nagbitiw ang Thai coach na si Anusorn “Tai” Bundit bilang isa sa mga assistant coaches ng national team.
Sa isang pahayag, ay sinabi ng asosasyon na mahirap para sa kanila ang resignation ni Bundit lalo na at inasikaso ng PNVF ang visa nito.

Ipinunto naman ng PNVF na tinanngap na nito ang desisyon ni Bundit.
Gayunman, sinabi nito na imbis na mag-report sa PNVF, ay napakinabangan ni Bundit ang visa nito para sa kaniyang pagiging coach sa Creamline ng Premier Volleyball League.
Mababatid na si Bundit ay ang head coach ng Creamline Cool Smashers na nagtapos sa ikalawang pwesto sa katatapos lamang na PVL Open Conference.
Una nang lumabas sa ilang ulat na nag-resign si Bundit para makasama ang pamilya nito sa Thailand.