Eskwelahan sa Camarines Norte na unang napabilang sa magsasagawa dapat ng pilot implementation ng limited face to face classes hindi na kasama

CAMARINES NORTE- Inanunsiyo ni Schools Division Superintendent Nympha Guemo na hindi na kasama ang nag iisang eskwelahan sa lalawigan ng Camarines Norte na unang napabilang sa magsasagawa dapat ng pilot implementation ng limited face to face classes.

Ito ay makaraang mapagtala ng kaso ng COVID- 19 sa barangay kung nasaan ang eskwelahan.

Ayon kay Guemo una nang nakapasa sa validation ang Regino Yet Elementary School sa Jose Panganiban pero dahil nakapagtala ng kaso ng COVID- 19 ang barangay ay awtomatikong aalisin na ito sa listahan.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Bukod dito ay mayroon din aniyang Executive Order si Governor Edgardo Tallado na wala munang implementaston ng face to face classes sa lalawigan sa gitna na rin ng patuloy na banta ng COVID- 19.

Sa ngayon ay tatlong eskwelahan lang sa Bicol Region ang nakasama sa pilot implementation ng limited face to face classes at ang mga ito ay nagmula sa Masbate Province at Masbate City.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang pilot implementation ng limited face to face classes ay tatagal umano ng dalawang buwan.

Pagkatapos nito ay muling magpapalabas ng bagong issuance si Secretary Briones.

Nakapagbalangkas na rin umano ng guidelines ang DepEd kung paano gagawin ang pilot implementation ng limited face to face classes