PRRD, nanawagan ng suporta sa major economies para sa laban kontra climate change

Muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga malalaking ekonomiya na tumulong developing countries upang malabanan ang epekto ng climate change.

Sa isang video message para sa virtual 2021 Asia-Pacific Economic Cooperation Business Advisory Council Dialogue with Economic Leaders, ay sinabi ng Pangulo na kailangan ng lahat ng developing countries na gawin ang lahat para labanan ang global warming.

Read More:  Marcos rejects claim flood control cases target Senate majority

Kabilang na anya rito ang climate finance, technology transfer and development at capacity-building.

Iginiit niya na para sa climate justice, ay kinakailangan ang climate-smart development habang nag-aadapt at binabawasan ang lumalalang epekto ng climate change.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Mababatid na bago pa man ang 26th UN Climate Change Conference sa Glasgow ay nangako na ang United Kingdom ng suporta para sa climate change commitments ng Pilipinas.