Bicol Medical Center, hinikayat ang publiko na mag donate ng dugo matapos na itaas sa ‘code red’ ang blood bank ng pagamutan

BNFM BICOL—Nananawagan ngayon ang Bicol Medical Center- Blood Bank Transfusion and Services sa lahat ng mga may kapasidad na mag donate ng dugo sa naturang pasilidad.

Ito ay matapos itaas sa Code Red ang naturang tanggapan na nangangahulugang nasa 400 blood stocks na lamang ang nasa pangangalaga ng naturabng blood bank.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Ayon kay Dr. Raymundo Ibbarientos, ang kawalan ng sapat na suplay ng dugo sa pagamutan ngayong nasa gitna pa rin ng pandemya ay labis aniya nilang ikinababahala.

Bilang aksyon, nagsasagawa ngayon ng ‘blood donation drive’ ang Blood Donor Collection Team ng BMC na bukas sa lahat ng mga empleyado at maging sa publiko, na nagnanais magbahagi ng kanilang dugo para sa kapuwang nangangailangan.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Magtatagal ang naturang blood donation drive hanggang sa February 14, na nagsisimula tuwing alas 8:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon sa BMC Blood Donor Clinic, Upper Ground, 8-storey Building, BMC Compound sa Naga City.###