BNFM BICOL— Ang lalawigan na muli ng Camarines Sur ang nangunguna sa may pinakamataas na bilang ng COVID-19 death toll sa buong Bicol region.
Batay sa inilabas na update ng DOH-Bicol kahapon, pumalo na sa 472 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 sa Camarines Sur na siyang pinakamarami mula sa lima pang iba pang mga lalawigan ng rehiyon.
Sinunsundan ito ng Sorsogon na may 466; sunod ang Albay na may 432; sumunod ang Naga City na may 224; ang Camarines Norte ay may 201; nasa 116 naman ang death toll sa Catanduanes; 87 sa Legazpi City habang pinaka kaunti naman ang Masbate na may 74.
Sa kabuuan, umaabot na sa 2,077 ang COVID-19 fatalities sa buong Bicol matapos na madagdagan ng siyam na mga bagong pagkasawi kahapon.
Samantala, 64 naman ang naidagdag sa mga bagong kaso kung kaya’t sumirit sa 8,020 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.###