NAGA CITY- Naka total lockdown pansamantala simula kahapon Mayo 23, 2021 ang Bicol Medical Center- Department of Psychiatry o ang Don Susano Rodriguez Memorial Mental Hospital sa Cadlan Pili Camarines Sur.
Ito ay dahil sa pagpositibo sa COVID-19 ng ilang mga pasyente at isang health worker ayon sa pamunuan ng BMC sa kabila ng istriktong pagsunod sa minimum health standards at infection control protocols.
Nakaisolate na ang mga tinamaan ng naturang sakit habang minomonitor ng maiigi ng Epidemiology Surveillance Unit at ng Emerging and Re-Emerging Infectious Diseases team.
Dahil dito , suspendido ang out-patient services. Ang mga kinakailangang magpakonsulta ay pinaka coordinate muna sa kani-kanilang LGUs at para sa emergency maaaring tawagan ang hotline na 0961-037-6828.
Samantala, noong nagdaang May 10-May 12, binigyan ng COVID-19 vaccine ang mga pasyente. Sila kase ay kabilang sa A3 o mga vulnerable groups. Ayon kay Assistant Administrator Designate Ma. Theresa Galvan, 250 pasyente ang nabakunahan.
(PIA photo)