CAMARINES NORTE – Ikinabahala ng mga mangingisda at mga residente ng bayan ng Paracale ang paglitaw at pagdaong ng isang malaking barko sa karagatang sakop ng bayan ng Paracale sa may bahagi ng Barangay Poblacion Norte.
Sa nakalap na impormasyon ng Brigada News FM Daet, isang malaking barko na J. Peace Panama ang nakadaong sa lugar na may lulang tatlong Chinese, 12 Myanmar at 2 Vietnamese.
Bukod dito, mayroon pang isang barge na hila-hila ng tug boat na nasa di-kalayuang lugar at may lulang 11 Pilipino na diumano’y pawang mga residente ng Cebu.
Sa pakikipagpanayam sa tanggapan ng Phillipine Coast Guard Paracale, dumating noong Biyernes Mayo 21, bandang alas 12 ng tanghali ang barko na lulan ang nasabing bilang na mga dayuhan.
kinaumagahan umano nito ay pinuntahan at inakyat ng mga opisyal ng Custom, immigration, at ilan pang kasamahan ang barko upang masiyasat
habang kinahapunan ng Sabado, Mayo 22 ng dumating naman ang Barge na hila-hila ng tugboat na lulan nga ang 11 pilipino.
Base naman sa kuwento ng isa sa mga Pilipinong sakay ng tugboat, nakakontrata ang MV Carmen (Barge) sa mismong kumpanya ng Feng Hua mining company (barko) para isakay dito ang nasa 10 thousand tons na Iron ore/black sand na kukunin sa bayan ng Paracale upang dalhin sa China.
Napagalaman din na ang Barge ay kayang magkarga ng nasa 200 tonelada, habang ang barko ay kayang magsakay ng hanggang 10 libong tonelada.
Paliwanag naman ng Philippine Coast guard, ang kanila lamang natanggap na notice of arrival mula sa Legazpi Regional Office ay barge na kukuha lamang ng nasa 8 libong toneladang buhangin
Hindi rin anya malinaw kung anong uri ng sand ito ayon sa Coastguard na sya nilang binabatanyan sa ngayon dahil sa wala pa umanong kaukulang dokumento ang barge at barko para makapaghakot dahil sa inaayos pa daw mula sa DENR/MGB ang nasabing permit to transport ng diumanoy tone-toneladang mineral.
Sa pakikipagugnayan naman ng Brigada News FM Daet sa MGB, kinumpirma ni MGB RD Engr. Guillermo Molina IV, na ang barge at barko na dumaong sa naturang lugar ay walang kaukulang dokumento o permit para kumuha ng naturang mga mineral kung kaya’t kasalukuyan na sila ngayong nakikipagugnayan sa Phil Coastguard upang pigilin ang anumang aktibidad na maaring gawin ng mga ito sa lalawigan, wala rin umanong nangyaring bidding sa naturang mga mineral
Napagalaman ng Brigada News Fm Daet na ang planong hakutin ay ang iron ore na nakatambak sa may Barangay Bagumbayan sa mismong dating Kumpanya ng BAO TONG na tinangka sanang ipuslit noong 2013 subalit napigilan ng mga nagsamasamang mamamayan ng Paracale at ng mga opisyal ng Lokal na Pamahalaan hanggang sa makumpiska ito ng MGB o Mines and Geoscience Bureau.

