Maraming misteryo ang naging biyahe ni dismissed mayor Alice Guo para makalabas ng Pilipinas.
Ito ang sinabi ni Bureau of Immigration spokesperson Dana Sandoval.
Ayon kay Sandoval, nagba-backtrack na sila sa dinaan ni Guo kung paano siya nakalabas ng bansa.
Teorya nila, hindi dumaan sa formal ports si Guo kung nasaan ang presensiya ng mga immigration personnel.
Nagsasagawa na rin sila ng malawak imbestigasyon dahil posible aniyang may kasabwat si Guo para makalabas ng Pilipinas.
Batay sa centralizecd database ng ahensiya, walang recorded departure si Guo ngunit napag-alaman ng BI sa kanilang mga counterparts at intelligence information na mayroon siyang recorded entry sa Malaysia, Singapore at Indonesia.