Guo, puwedeng ipa-extradite ‘o ipa-aresto sa Interpol

Tiniyak ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na magtutuloy-tuloy ang kaso ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kahit na nakalabas na ito ng bansa.

Ito ay matapos ang ulat na kumpirmadong nakatakas na si dismissed kay Guo mula sa bansa ayon kay Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros.

Read More:  Chinese MSR vessel and maritime militia spotted in Kalayaan Island Group

Base ito sa naging manifestation ni Hontiveros, kung saan ibinahagi niya ang isang resibong natanggap niya na nagpapakita ng pag-alis ni Guo ng July 18 sa papuntang Kuala Lumpur, Malaysia.

Sa iba pang source ng senadora, napag-alaman din na tumuloy si Guo sa Singapore para tagpuin ang kanyang mga magulang.

Read More:  Comelec insists 2028 national elections will push through

Sa panayam ng Brigada News FM Manila kay PAOCC Spokesperson Winston Casio, sinabi nito hindi hihinto ang imbestigasyon kay Guo sa gitna ng posibilidad na nakasibat na nga ito ng Pilipinas.

Idiniin naman ni Casio na posibleng gamitin ng Pilipinas ang extradition proceedings para kay Guo, sakaling magkaroon na talaga ng arrest order laban dito.