Nasungkit ng Bgy. Sta. Fe sa bayan ng San Marcelino, Zambales ang ikatlong pwesto sa Best Gulayan sa Baranggay Provincial Level sa Region 3.
Ang awarding ay ginanap nitong araw ng Huwebes sa Bgy. San Pablo, Lubao, Pampanga.
Tinanggap ni Punong Baranggay Anthony Manzano ang award mula sa Department of Agriculture.
Binati naman ng lokal na pamahalaan ang baranggay kasunod ng nakuha nitong panalo.
Samantala, hangad ng DA na makatugon sa pangangailangan sa pagkain ang pagkakaroon ng mga gulayan sa baranggay.
San Marcelino Public Information Office
