Dalawa sugatan sa aksidente sa Matnog, Sorsogon

SORSOGON CITY – Sugatan ang dalawang ‘bystander’ nang mabundol ng trailer truck alas 7:00 ng umaga kahapon, Nobyembre 18 sa Brgy Bolo ng nasabing bayan.

Kinilala ang mga sugatan na sina Ronnie Jile at Crystal Anticristo habang ang driver ay nakilalang si Ian Sumangue, 40-anyos, residente ng Marapangi, Davao City, Davao del Sur.

Read More:  ₱876,800 smuggled cigarettes seized; 3 arrested in Lanao del Norte

Batay sa ulat na natanggap ng Brigada News FM-Sorsogon, sa hindi pa malamang dahilan ay nabangga ng trailer truck ang isang kubo kung saan naka-park ang nasabing tricycle.

Read More:  Transgender woman alleges discrimination in entrance exam process at Lucena City School

Nadala naman agad ang mga sugatan sa Matnog Medical Center para sa atensyong medikal habang ang driver ay nasa kustudiya ngayon ng Matnog Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Ang trailer truck na pag-aari ni Modesto Godilo ay papuntang Davao City nang mangyari ang ‘self-accident.’