BFP Daraga, patuloy ang monitoring sa mga nagtitinda ng mga paputok

Ipinagpapatuloy ng Bureau of Fire Protection (BFP) Daraga ang kanilang monitoring sa mga paputok partikular ang mga nagtitinda nito lalo na ngayong darating na bagong taon.

Sinabi ni BFP Daraga spokesperson Kenneth Nieva, bahagi umano ito ng kanilang programang inilunsad na “Oplan Paalala: Iwas Paputok” na may layuning magpaalala sa publiko ng ligtas na pagdiriwang sa pamamagitan ng mga intervention campaigns, info dissemination at monitoring.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Bahagi umano ng kanilang monitoring ang pagsusuri sa mga negosyo ng mga ito kung sumusunod sa mga patakaran lalo na kung ang lahat ay mayroong fire extinguisher.

Read More:  GenSan underpass project criticized anew after repeated flooding due to heavy rain

Sinabi naman niya na na compliant naman umano ang mga nagtitinda sa Daraga sa mga ipinatutupad na patakaran.